Ang Ngiti ni Ate Fely
I recalled some experiences I had several years ago as a Jesuit novice. Going through my old journals, I came across some memorable anecdotes. Here's one which I wrote about and particularly liked...
Bukas na magsisimula ang Urban Trials. Kasama ang kapwa kong mga nobisyo, sasabak ako sa mga squatter area ng Tondo. Iyan ang sabi sa amin. Sasabak na raw kami.
Bukod-tangi sa isip ko ngayon ang mga karanasan ko sa ganitong mga lugar. Masikip. Mainit. Marumi. Maingay. Mabaho. Kahit papaano’y hindi ko maipagkaila ang pangamba na baka may mangyari sa akin.
Eh tingnan mo naman ang hitsura ko! Matabang-mataba. Singkit ang mga mata. Nakasuot pa ng makapal na salamin. Paano mo masasabing anak ako ng mahirap? Paano ako babagay doon? Higit lamang ako mapapansin sa kakaiba kong anyo.
Ano pa ba ang magagamit kong script upang itago ang aking tunay na pagkatao? Ay basta! Ayaw ko nang mag-imbento pa ng kung anu-ano! Basta sasabihin kong seminarista akong nagnanais makibuhay kasama sila. Siguro sapat na iyon para wala na akong ipangamba.
Hindi ko pa lubusang maintindihan ang pinasukan kong mundo.
Kakatwa ang unang nagpakilala sa akin.
Sigaw siya nang sigaw. Ang naglalakihan niyang mga mata’y tila nagmumura. Kitang-kita ko ang mga mapupulang ugat sa mga gilid nito. Hawak naman niya ang isang boteng basag. Dinuduro-duro niya ito sa akin. Gusto yata akong saksakin.
“Walang ibang anak si Hapon! Putang ina! Wala sabi, eh! Sino ka ba talaga? Putang ina!”
Amoy na amoy ko ang alak. Nakakalasing ang kanyang hininga.
“Putang ina! Hindi kita pamangkin! Hindi, hinde-e-e-e!”
Wala na akong ibang maurungang sulok. Pumasok na siya sa barung-barong. Nakabuka ang aking bibig, ngunit wala akong maiimik.
Biglang may sumigaw mula sa labas.
“Puñeta! Anong ginagawa mo diyan? Lumabas ka diyan! Lasengga! Layas! Layas!”
Napatingin sa labas ang mga naglalakihang mata ng lasengga. Kumurap.
“Labas, sabi eh! Labas! At lumayas ka na! Layas!” patuloy na sigaw ng boses mula sa labas.
Tumalikod ang lasengga at bumaba sa hagdanan. Muling sumariwa ang hangin.
Nagbulyawan sa labas. Tuluy-tuloy ang murahan. At ako naman, napasara ang bibig at tumikhim.
Ano ba ang ginagawa ko rito sa Tondo?
Ipinikit ko ang aking mga mata. Hinayaan kong madala ang aking isip sa agos ng sari-saring imahen ng lumipas na mga araw. Mukha ng mga kapitbahay. Mga umiiyak na sanggol. Walang katapusang paglalasing. Mga batang minumura ng kanilang mga magulang. Mga batang sinasampal ng tsinelas. Mga batang nagbubugbugan.
Higit kumulang may tatlong daang katao ang nagsisiksikan sa tinitirhan namin. Sa bilang na ito, dalawang daan ang mga bata. Kay rami nila.
Ngunit pinakamatingkad sa aking alaala ngayon ang duguang mukha ni Jonathan.
“Atan, paano naman kasi, alam mo namang lasing ang tatay mo. Bakit mo pa kasi nilapitan,” anang Nanay During sa kanyang apo.
Sinulyapan ako ng bata. Naisip niya sigurong may sasabihin ako. Halos hindi ko na makita ang kanyang mga matang isinara ng itim na maga.
Dahan-dahan kong iniabot ang saping binalutan ng yelo. Hindi siya kumibo.
Patuloy na dumaloy ang dugo mula sa kanyang ilong. Pinalibutan nito ang mga labing may hiwa. Walang imik ang bata. Ni luha wala. Nakayuko lang. Nakatingin sa sahig na aming kinauupuan.
“Maghilamos ka na, Atan. Ibabad mo na ‘yung suot mo sa tubig bago pa tuluyang matuyo ang dugo. Lalabhan ko na lang iyan bukas.”
Umabot ang kalahating oras bago tumayo ang bata at tumungo sa may balde upang maghugas. Nagbuntong-hininga na lang ang lola niya.
“Sino ka nga uli?” usisa sa akin ni Midi, maliit na batang limang taong gulang.
“Anak ko siya,” sabi ni Nanay During mula sa tabi.
“Ha? Anak! Tanga! Tanga! Tanga! Ha ha ha ha!” sagot ni Midi na tawang-tawa sa sarili.
“Hoy, huwag kang magsasabi ng tanga! Lola mo iyan,” biglang sabi ni Ate Fely.
Magkadikit na ang aming mga balikat sa loob ng barung-barong. Hindi namin maideretso ang mga tuhod namin habang nakaupo sa sahig. Ganyan talaga rito. Mabuti na lang naipapahinga ko ang aking likod sa pagsandal sa dingding.
“Tito mo iyan,” turo ni Nanay During kay Midi habang tinutukoy ako.
Tumawa lang nang tumawa ang bata. Tila naaliw sa sariling pagtawa. Pati si Ate Fely ay natawa na rin sa kanyang anak.
“Anak, uwi na tayo,” sabi ni Ate Fely. “Gusto ko nang magpahinga.”
“Ha? Anak? Hindi! Hindi! Hindi! Hindi ako ang iyong anak!” sagot ni Midi na tawang-tawa pa rin sa sarili.
Minasdan ko ang ngiti sa mukha ni Ate Fely. Hindi ito nagbago, bagaman nabigla ako sa aking narinig. Ano kaya ang maikukuwento ng ngiting ito? Tumahimik ang bata at bumaling sa kanyang ina.
“Di ba ampon lang ako?” ang tanong niya na wala nang tawa.
Tahimik lang ang lahat. Hindi nagbago ang ngiti sa mukha ni Ate Fely.
“Ha? Gago! Gago! Gago! Ha ha ha ha!” biglang bulalas ni Midi.
Tumawa na lang siya nang tumawa. Naaliw sa sarili. Hindi na siya pinagsabihan ni Ate Fely na nakangiti pa rin.
“Hay naku,” biglang sabi ni Nanay During, natatawa sa nangyayari. “Ano kaya ang sasabihin ni Hapon kung buhay pa siya. Aba! Nagkaroon siya ng apo na tawa na lang nang tawa.”
“Ha? Baliw! Baliw! Baliw! Ha ha ha ha!” muling sigaw ni Midi.
Napahalakhak na rin ako.
Lumusob ang mga pulis. May raid sa mga pusher. Biglang nagkaputukan. Sa tapat pa naman namin. Halos hindi ko maigalaw ang mga binti ko sa takot. Marami ang tumakbo para makaiwas sa anumang gulo.
Biglang may naglabas ng patalim. Ilang hakbang lang mula sa aking kinatatayuan. Kasing haba ng kamay ‘yung balisong. Ang naghahawak nito’y nakasando. Kitang-kita ko ang tatoo sa kanyang bisig. Isang malaking ahas, cobra yata, handang tumuklaw sa kalaban.
May hinahabol na naman si Cobra: isang lalaking nakahubad. Bigla niya itong sinaksak sa tiyan. Ang lakas ng sigaw. Saglit na ngumisi si Cobra, kita ang kanyang mga pangil, natutuwa sa kanyang nagawa. Ang kamay niya ay unti-unting nabalutan ng dugo. Hindi pa rin niya hinugot ang balisong. Nahimatay na lang ang kanyang sinaksak.
Nagputukan muli ang mga pulis. Natamaan sa binti si Cobra. Umungol. Sinundan ito ng pagbatuta ng mga pulis.
Nasindak ako sa mga pangyayari. Namalayan ko na lamang ang paghatak ni Nanay During sa akin, palayo sa duguang eksena. Baka pa raw ako madamay.
Madalas akong datnan ng pagkainip sa mga lumipas na linggo. Tila ang buo kong sitwasyon dito sa Tondo ay paghamon sa akin.
Bagaman gusto kong simple lang ang buhay ko rito at hindi ko na kailangan pang itago ang aking tunay na pagkatao, iba ang naging kapalaran ko. May script na palang naihanda bago pa ako dumating. Hindi ko naman akalain na ako pala ang anak sa labas ng yumao ko ng “tatay” at inampon ni Nanay During. Ang ganitong klaseng kuwento ay nakakasakit ng damdamin ng iba, lalo na sa mga kamag-anak ng yumao. Naiinis talaga ako. Pero ano ang aking magagawa? Eh mismo si Nanay During ayaw baguhin ‘yung kinalat na kuwento.
Gabi-gabi na lang sa lugar namin, may nagbubugbugan, nagsasaksakan, at kung anu-ano pa. Minsan pinanonood ko na lang. Nagiging sanay na rin ako sa ganitong tanawin kung saan dumadanak ang dugo. Wala naman akong magawa. Hindi ko lugar ito upang makipag-away. Bahagi na ang suntukan sa kultura ng mga tao rito.
Ang mga bata naman, sanay na sa karahasan na itinuro sa kanila ng lugar na ito. Bata pa lang, marunong nang magmura at manapak ng kapwa bata. Ang mga tatay nga nila, ginagawa silang punching bag, lalo na kapag lasing ang mga ito. Wala pa akong nakikitang batang hindi nagmura o hindi naghamon ng suntukan. Wala naman akong magagawa. Alangan namang magbigay ako ng klase sa mga bata tungkol sa tamang asal at pagrespeto sa magulang.
Wala akong magawa.
Nakalugmok ang lugar na ito sa kahirapan at karahasan.
Damang-dama ko ang aking pagkainutil. Para saan pa ang aking mga kakayaha’t galing?
Diyos ko, bakit Mo pa ako inilagay rito? Bakit Mo pa ako tinawag na magsilbi sa Iyo at sa tao? Eh wala naman ako magawa!
Hindi ba’t Ikaw na rin mismo ang nagsabi na naghahari ang Iyong Kaharian dito sa mundo? Tingnan mo naman ang lugar na ito! Kay layo naman ng Iyong Kaharian dito. Ni pangalan Mo ay hindi ko na nga naririnig!
“Ha ha ha ha ha!” muling natawa si Midi sa kanyang sarili.
Kasabay ng kanyang pagsigaw ng kung anu-ano ang nakangiting pagtingin ni Ate Fely sa kanya. Matagal kong pinagmasdan ang mag-ina.
Ito ba ang nais maiparating ng Diyos sa akin? Na sa gitna ng karahasan at pagkainutil ay may pagmamahal pa rin?
Dinampot lang raw siya sa tabi ng tambakan noong siya’y sanggol pa. Mismong si Midi ang nagkukuwento. Hindi mo mababakas ang lungkot sa kanyang kuwento. Sasabihin pa niyang muntik siyang kainin ng mga aso, kasabay ang malakas na tawa. Sa lahat na ito, hindi pa rin nagbabago ang ngiti ni Ate Fely.
Napatahimik ako. Pati na rin ang aking pusong nabagabag. Narito pala ang Kaharian ng Diyos. Halos hindi ko na napansin. Narito na, bago pa ako dumating. Ang kinailangan ko lang gawin ay tumingin at tanggapin.
At sa aking pagka-walang magawa, nakita ko ang kamay ng Diyos na gumagalaw pa rin – inaakay ako para muling sariwain ang ganda na hindi madaling mapansin.
“Ha? Tito! Tito! Tito! Tito! Iyakin! Iyakin! Iyakin! Ha ha ha ha ha!”
Napatawa na lang ako habang dumaloy ang luha sa aking pisngi.
Ika-27 ng Oktubre, 2002
SHN; Room #21
9:22 ng gabi

Ika-28 ng Oktubre, 2002
Lover’s Compound, Tondo
5:38 ng hapon

Ika-5 ng Nobyembre, 2002
Kapilya ng San Pablo Apostol, Tondo
6:50 ng umaga

Ika-12 ng Nobyembre, 2002
Lover’s Compound, Tondo
9:06 ng umaga

Ika-20 ng Nobyembre, 2002
Lover’s Compound, Tondo
3:44 ng hapon
Lover’s Compound, Tondo
3:44 ng hapon
Lumusob ang mga pulis. May raid sa mga pusher. Biglang nagkaputukan. Sa tapat pa naman namin. Halos hindi ko maigalaw ang mga binti ko sa takot. Marami ang tumakbo para makaiwas sa anumang gulo.
Biglang may naglabas ng patalim. Ilang hakbang lang mula sa aking kinatatayuan. Kasing haba ng kamay ‘yung balisong. Ang naghahawak nito’y nakasando. Kitang-kita ko ang tatoo sa kanyang bisig. Isang malaking ahas, cobra yata, handang tumuklaw sa kalaban.
May hinahabol na naman si Cobra: isang lalaking nakahubad. Bigla niya itong sinaksak sa tiyan. Ang lakas ng sigaw. Saglit na ngumisi si Cobra, kita ang kanyang mga pangil, natutuwa sa kanyang nagawa. Ang kamay niya ay unti-unting nabalutan ng dugo. Hindi pa rin niya hinugot ang balisong. Nahimatay na lang ang kanyang sinaksak.
Nagputukan muli ang mga pulis. Natamaan sa binti si Cobra. Umungol. Sinundan ito ng pagbatuta ng mga pulis.
Nasindak ako sa mga pangyayari. Namalayan ko na lamang ang paghatak ni Nanay During sa akin, palayo sa duguang eksena. Baka pa raw ako madamay.
Ika-25 ng Nobyembre, 2002
Kapilya ng San Pablo Apostol, Tondo
6:52 ng umaga
Kapilya ng San Pablo Apostol, Tondo
6:52 ng umaga
Madalas akong datnan ng pagkainip sa mga lumipas na linggo. Tila ang buo kong sitwasyon dito sa Tondo ay paghamon sa akin.
Bagaman gusto kong simple lang ang buhay ko rito at hindi ko na kailangan pang itago ang aking tunay na pagkatao, iba ang naging kapalaran ko. May script na palang naihanda bago pa ako dumating. Hindi ko naman akalain na ako pala ang anak sa labas ng yumao ko ng “tatay” at inampon ni Nanay During. Ang ganitong klaseng kuwento ay nakakasakit ng damdamin ng iba, lalo na sa mga kamag-anak ng yumao. Naiinis talaga ako. Pero ano ang aking magagawa? Eh mismo si Nanay During ayaw baguhin ‘yung kinalat na kuwento.
Gabi-gabi na lang sa lugar namin, may nagbubugbugan, nagsasaksakan, at kung anu-ano pa. Minsan pinanonood ko na lang. Nagiging sanay na rin ako sa ganitong tanawin kung saan dumadanak ang dugo. Wala naman akong magawa. Hindi ko lugar ito upang makipag-away. Bahagi na ang suntukan sa kultura ng mga tao rito.
Ang mga bata naman, sanay na sa karahasan na itinuro sa kanila ng lugar na ito. Bata pa lang, marunong nang magmura at manapak ng kapwa bata. Ang mga tatay nga nila, ginagawa silang punching bag, lalo na kapag lasing ang mga ito. Wala pa akong nakikitang batang hindi nagmura o hindi naghamon ng suntukan. Wala naman akong magagawa. Alangan namang magbigay ako ng klase sa mga bata tungkol sa tamang asal at pagrespeto sa magulang.
Ika-27 ng Nobyembre, 2002
Lover’s Compound, Tondo
8:12 ng umaga
Lover’s Compound, Tondo
8:12 ng umaga
Wala akong magawa.
Nakalugmok ang lugar na ito sa kahirapan at karahasan.
Damang-dama ko ang aking pagkainutil. Para saan pa ang aking mga kakayaha’t galing?
Diyos ko, bakit Mo pa ako inilagay rito? Bakit Mo pa ako tinawag na magsilbi sa Iyo at sa tao? Eh wala naman ako magawa!
Hindi ba’t Ikaw na rin mismo ang nagsabi na naghahari ang Iyong Kaharian dito sa mundo? Tingnan mo naman ang lugar na ito! Kay layo naman ng Iyong Kaharian dito. Ni pangalan Mo ay hindi ko na nga naririnig!
Ika-29 ng Nobyembre, 2002
Lover’s Compound, Tondo
8:35 ng gabi
Lover’s Compound, Tondo
8:35 ng gabi
“Ha ha ha ha ha!” muling natawa si Midi sa kanyang sarili.
Kasabay ng kanyang pagsigaw ng kung anu-ano ang nakangiting pagtingin ni Ate Fely sa kanya. Matagal kong pinagmasdan ang mag-ina.
Ito ba ang nais maiparating ng Diyos sa akin? Na sa gitna ng karahasan at pagkainutil ay may pagmamahal pa rin?
Dinampot lang raw siya sa tabi ng tambakan noong siya’y sanggol pa. Mismong si Midi ang nagkukuwento. Hindi mo mababakas ang lungkot sa kanyang kuwento. Sasabihin pa niyang muntik siyang kainin ng mga aso, kasabay ang malakas na tawa. Sa lahat na ito, hindi pa rin nagbabago ang ngiti ni Ate Fely.
Napatahimik ako. Pati na rin ang aking pusong nabagabag. Narito pala ang Kaharian ng Diyos. Halos hindi ko na napansin. Narito na, bago pa ako dumating. Ang kinailangan ko lang gawin ay tumingin at tanggapin.
At sa aking pagka-walang magawa, nakita ko ang kamay ng Diyos na gumagalaw pa rin – inaakay ako para muling sariwain ang ganda na hindi madaling mapansin.
“Ha? Tito! Tito! Tito! Tito! Iyakin! Iyakin! Iyakin! Ha ha ha ha ha!”
Napatawa na lang ako habang dumaloy ang luha sa aking pisngi.
4 Comments:
wow bro. astig. salamat sa pagbabahagi.
nagsulat ako ng ga-kilometrong komento na sa huli ay (marapat na) aking ikinahiya sa kanyang kahabaan. matatagpuan dito.
pero ang buod: salamat. salamat. salamat. :)
ang ganda.wala akong masabi.Ü
talagang natakot ako dun sa "cobra."
thanks for your post. talagang nadama ko kung gaano ako kaswerte.
Diversification [url=http://www.ddtshanghaiescort.com]escort shanghai[/url] of function of the automaton arm so that they pull someone's leg a comprehensive sphere of uses. The Burrell Ku Kean and the organizers of
Post a Comment
<< Home