Lugawan
What did we do on Friday evenings? Many years ago when I was still in high school, our small group consisting of students and teachers from Xavier School would visit the parking lot of Araneta Coliseum, Cubao, and spend time with the street children who stayed there.
Isa-isa silang pumila. Nag-uunahan. Nagtutulakan. Pero nagtatawanan din.
Dala-dala ni Fely ang kanyang lumang manikang tila mas malinis pa sa kanya. Pareho silang gunit-gunit ang damit, mga pinagtagping retasong napulot sa tabi-tabi.
“Salamat po,” wika naman ni Daniel. Lagi niyang hawak ang isang supot na puno ng ketchup sachet–mga nakukuha sa Jollibee at McDo. Dinungisan na ng pula ang kanyang mga pisngi. Wika nga niya, “Ketsap na lang, kaysa rugby…”
“Kuya, dalawang itlog po,” ani ni Maricel, na sa bawat pagbabalik namin ay ganito ang hingi.
Idinagdag ko ang isa pang itlog, pati na rin ang isa pang kutsara sa basong may lugaw. Tinanggap ito ni Maricel sa kanyang kanang kamay, habang ang kabila’y akay ang bunso niyang kapatid na walang imik ngunit bukang bibig na pinagmamasadan ang pila sa kanilang likuran.
Sumunod si Edith, nakangiti, kahit namamaga ang isang pisngi at namumukod-tangi ang itim na pumapalibot sa kanyang mata. Sariwa pa ang mga sampagitang dala niya.
“Kamusta ang iyong tatay?” tanong ng aking kasama habang dahan-dahang naglalagay ng itlog at lugaw sa mga baso.
Walang imik ang bata. Lumakad na lang ito nang palayo. Nakayuko ang ulo. Nanginginig ang kamay habang hawak ang baso.
Tiningnan ko nang masama ang aking kasama. Nakita niya ang aking inis. Itinaas na lang niya ang kanyang tingin sa mga gusali ng Cubao.
Habang nagpatuloy ang daloy ng pila, patuloy ko ring pinagmasdan ang mukha ng mga batang inabutan namin ng lugaw. Ito ang mga mukha ng kahirapan at lungkot. Mga mukha na, sa murang edad, ay pinagsawaan na ang pag-iiyak. Mga mukha na nagnanais lamang ng munting kaligayahan.
Sa mga susunod pang linggo, ganito uli ang ritwal namin dito sa munting paradahan ng Araneta. At muli kong magigisnan ang mga mukha ng mga bata.

0 Comments:
Post a Comment
<< Home